Ang paglipat sa bago mong bahay o condo unit ay isang malaking milestone. Pero bago ka tuluyang mag-settle in, kailangan mo munang dumaan sa unit turnover at punchlisting. Dito mo malalaman kung maayos ang lahat ng detalye at kung handa na talaga ang unit para tirhan.
Sa post na ito, pag-uusapan natin ang mga dapat mong i-check bago tanggapin ang iyong unit.
![]()
🔎 Ano ang Unang Dapat I-Check?
1. Tiles
- Unang-una, tapikin ang mga tiles. Kapag may hollow sound, ibig sabihin hindi pulido ang pagkakadikit. Pwedeng magdulot ito ng crack o pagkakalas ng tile paglipas ng panahon.
2. Gripo at Tubig
- I-check kung may tumutulong gripo o mahina ang water pressure. Importante ring tingnan kung maayos ang drainage.
3. Electric Sockets & Switches
- Subukan lahat ng saksakan at switch. Siguraduhin gumagana at walang spark o loose connection.
4. Light Socket 💡
Tingnan kung gumagana ang socket ng ilaw. Maliit man itong detalye, pero hassle kung saka mo lang madidiskubre kapag nakatira ka na.
Bakit Importante ang Punchlisting?
Kasi kapag hindi ito na-check sa simula, hassle na kung kailan nakatira ka na saka mo madidiskubre.”
Mahirap kung nakapaglipat ka na ng gamit o nakapagpa-renovate tapos biglang lumabas ang mga problemang dapat sana ay naagapan pa lang sa turnover.


