Ano ba ang Equity?
If you’re a first-time home buyer, you’ve probably heard this word a lot: Equity.
So, ano nga ba ‘to?
Equity ay yung parte ng Total Contract Price (TCP) na ikaw mismo ang magbabayad gamit ang sariling pera- hindi siya loan.
Ibig sabihin, ito ang “ambag mong cash” para makuha ang dream home mo.
Tinatawag din etong downpayment mo.
Sample Computation
Let’s say ang Total Contract Price ng bahay ay ₱2,000,000.
Kadalasan humihingi ang housing developer ng 20% equity.
✅ ₱2,000,000 x 20% = ₱400,000 → ito ang equity mo.
✅ ₱1,600,000 → ito naman ang balance na pwede mong hulugan via bank loan, PAG-IBIG, or in-house financing.
Need ba talaga ang equity?
Yes, need talaga.
It shows na kaya mong mag-commit financially. This also helps lenders approve your housing loan.
Note: Tignan mabuti ang sample computation kung kasali naba ang mga other charges fee like Transfer of Title fee at Move in Fee.
If hindi pa, kailangan mo etong paghandaan aside sa TCP na nabanggit.